What Happen To My Saving-Money Challenge For The Month Of April

APRIL —
Okay, So what happened last April is not the one I am expecting. For those who wants to relate, check this out My Saving-Money-Challenge For The Month Of April

Ayun na nga, hinayaan ko ang Panginoon ang kumilos sa buhay ko patungkol sa aspeto ng pera. At buong akala ko, ang mangyayari ay kung ano ang nasa isip ko.

Yung tipong:

  • Mas lalong dadami yung pera. Kahit wala kang ginagawa may kusang darating
  • Mabibili na lahat ng gusto ko
    Nag iisip na ko kung ano ang gagawin ko, eh, wala pa nga
  • Yung tipong “RUMARAGASANG PAG-PAPALA” ang darating sa buhay ko
  • May nag bayad naman ng mga nangutang sakin
  • kumita ako sa beauty products na binebenta ko
  • At naka-pulot ako ng Php50 habang nag lalakad

Akala ko yun na ang umpisa ng lahat. Sabi ko, “Thank you, Lord!” buti nalang tinake ko tong challenge na’to. Masayang masaya ako! Ano kaya sabi ko ang meron sa 4th day hanggang sa matapos tong buwan na’to? Hanggang sa nag-aabang ako, pero parang biglang nanahimik ang Panginoon. Nag iba bigla ang lahat..

Kabaliktaran ang lahat ng nangyari. Ang tinuro sa akin ng Panginoon:

  1. TIWALA.
    Tinuruan ako ng Panginoon na mas lalong mag tiwala sa Kanya kahit “wala ng pinanghahawakang pera”
  2. UMASA.
    Tinuruan Niya kong umasa LANG sa Kanya at hindi sa kung anong bagay na pansamantala lang. Todo dasal ako non. Ang lagi kong pinanghahawakan ay yung Salita na, “God will provide.”
    “You are the God who will provide, Lord. Pero asan na???” *with worrying effect*

Sobrang nag fail ako sa inaasahan kong mangyari. Umasa ako sa materyal na bagay at hindi sa tigapag-bigay. Sa madaling salita, “nga-nga.”

KAKAIBA mag turo ang Panginoon. Magtuturo Siya sa aspeto na di talaga natin inaasahan. Natutunan kong mas lalong mag-pakumbaba, at umasa lamang sa Kanya.

  1. Wala man akong pera, pero di parin Niya ko hinayaang magutom
  2. Mas lalo akong dumepende sa kung ga’no kalaki ang kakayahan ng ating Panginoon
  3. Mas naging masaya at kuntento sa panahong wala akong mabunot sa bulsa o wallet
  4. Natutunan kong isuko ang lahat sa Kanya. Hindi lang pera  kundi lahat ng plano ko sa buhay
  5. Nawala ang “cravings” ko sa mga materyal na bagay
  6. Mas lalong lumago ang pananampalataya ko sa Kanya

Etong mga natutunan ko na to, higit pa sa pera na inaasahan ko. Ang pera pansamantala lang. “Pansamantalang meron, pansamantalang wala.” Pero ang relasyon at pananampalataya ko sa Panginoon? Pang-habang buhay!

Sa natutunan kong ‘to, mas lalo akong napamahal sa Kanya. Higit pa sa pera ang tinuro Niya sa akin. Hindi ko ipag-papalit ito sa kung anumang bagay.

Sa una lang talaga ang TESTING. Pero pag napag-wagian? Susunod na ang REWARD na galing sa Kanya!

Mabuti at mapag-mahal ang ating Panginoon! Wohoo!

Thank You Lord!

Stay tuned for the month of May!
Be blessed! ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: