Talata Ng Baliw

Mahal ba kita? Yan ang aking tanong
Mahal na kita kung hindi mo naitatanong

Minsan natanong mo rin ba kung mahal ba kita
Yung mahal na ako sayo na nagmamahal at ikaw naman sa akin sinta

Pero dapat pabang malaman pa
Kung ang nararamdaman eh higit pa sa tanong sa mga nauna

Minsan gusto ko lang na marinig na mahal mo ako
Gaya ng mga napapanuod ko
Nababasa at naririnig sa dyaryo

Pero para saan pa
Kung ang nararamdaman eh higit pa sa tanong sa mga nauna

Bigla akong napahinto at naisip ka
Mahal na mahal kita

Ako mahal mo na ba
Diba nakakaloko at inuulit ko pa

Ganun naman kasi yun
Kung ang nararamdaman eh higit pa sa tanong sa mga nauna

Ano pa ang nauna
O ano ba ang nauna
Ang alam ko lang naman mahal kita

Ganito ang litanya ng baliw sa pagibig
Bawat oras walang ibang nais kundi ikaw ay maisip

Kumain kana ba?
Pagpalain ka at kung ano pa…
Ingat ka?

Ganyan naman ata pag sa una
Mainit mong sasabihing mahal na mahal kita
Kasi bago pa

Paano kung magtagal na
Ganito pa kaya
Pareho parin ba ng nararamdaman
O tanong lang ay para sa simula

Di bale wala naman akong ano mang intensyon
Yung mahalin lang kita
Ay sapat na yon

Sabi nga nila
Minahal mo na nga gusto mo mahalin ka pa
Aba baka umaabuso ka

Sapat ng mahal mo sya at maramdaman nya kung ano ang pagmamahal na syang Itinanong mo nung una

Sige pangako nalang
At alam kong baka mapako
Pero pangako na mamahalin nalang kita
Mamahalin parin kita kahit ayaw mo na sa akin

Mamahalin kita dahil ikaw ang nakatakda
At mamahalin kita dahil alam kong sayo ako ay sasaya
Magmamahal parin kahit may iba kana
O baka naman may bwenas na tayo pala talaga

Mamahalin kita dahil hindi ito tanong
Mamahalin kita kasi ikaw ay ikaw at kung ano ako ngayon

Basta’t diyan ka lang
Diyan ka lang at dito lang muna ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: