What Happen To My Php100/day-For-One Month-Challenge

Month of March ako nag simula na maging Php100 a day nalang ang aking allowance. Php 3,100 sa isang buwan. First time ko to, at grabe! Sobrang pag titipid ang aking nadama! hahaha

Ang allowance ko dati Php250 sa isang araw. Php 7,750 sa buong buwan.
Medyo malaki na yon para sakin. Kaya naman nung ginawa ko to, malaking adjustment talaga. Weakness ko pa naman ang mag crave. At pag nag crave ako, dapat talagang makain. Nung nakaraan pa ko nag cecrave sa DQ ice-cream sandwich; anong petsa na, hanggang ngayon nag cecrave parin ako hahaha

Excited akong makita ang result kung anong mangyayare sa challenge ko na to.
Ang goal ko eh magkaron pa ako ng sobra sa allowance ko na’to. Tindi di ba?
Saksakan ng kuripot. tsk tsk tsk. (tawa kayo diyaaaan..)

At ayun na nga! Tapos na ang isang buong buwan, at voila!
ANG NATIRA SA ALLOWANCE KO AY TUMATAGINGTING NA 565 pesos!

Ang saya-saya! Na achieve ko ang goal ko! Achieve na achieve! hahaha

Para makapag-save, ang ginawa ko:

  1. binawasan kong kumain sa restaurant maski na sa mga fast-food chain
  2. hindi na ko tumatambay sa kapihan sa mga mall para lang makapag-relax
  3. wala na ring shopping! Ukay-ukay nalang. At bibili lang ako ng damit pag kailangan na kailangan talaga
  4. wala ng load na ginagastos. Ma-cocontact ako ng mga tao sa FB Messenger
  5. at talagang tambay sa bahay! Kung makikipag-bonding with friends, dito nalang kami sa bahay at magluluto ng pancit canton

Walang imposible sa taong marunong mag-tipid. Kung binabalak mong makapag-save, onti-ontiin mong bawasan ang allowance mo hanggang sa masanay ka.
Ang iba, gusto pag nag-save malakihan agad kaya ang nangyayare, iginagastos nalang nila kasi “maliit” na halaga lang naman daw yon. Pero ako, ang mindset ko, mas makaka-ipon ako ng mas malaki pag nag-save ako ng pa-onti-onti.

Challenge yourself about saving money! You can do it! Ilan lang sa mga kakilala ko ang marunong humawak ng pera, kaya naman, wala silang problema pag nagkaron ng emergency. Ang iba, motto nila, ‘live life to the fullest.’ Pati bulsa to the fullest, kaya ang nangyayare, sila pa itong mas maraming utang may pang-kape lang sa Starbucks, para makapag-selfie at mai-post sa FB.

Sabi nga, ‘Be wise in everything you do.’

Keep on saving money, guys! Peace tayo!

P.S.
I still drink coffee. Ang pinaka-gusto kong tambayan ay ang Coffee Bean Tea Leaf. Ang gustong-gusto kong binibili don, ay yung double-chocolate nila with whip cream. Pag ayaw ng ganon, yung Mango nila.

I still buy clothes, looking for sale stuffs. Yun nga lang, natuto ako kung pano humawak ng pera. Kung ano ang kailangan bilhin, at kung kailan gagastos. Hindi ko masyado sinasakal ang sarili ko para lang makapag-ipon ng malaki. Yun nga lang, gagastos ako pag may pera lang talaga. Hindi yung kahit wala na, gagastos parin ma-satisfy lang sa hinahanap ng katawan. ^_^

Sa mga gusto malaman kung ano ang next challenge ko for the month of April, you can check it in hereΒ My Saving-Money-Challenge For The Month Of April

Stay tune, guys! Marami akong gustong i-share sa buwan na ito πŸ˜€

Advertisements

One thought on “What Happen To My Php100/day-For-One Month-Challenge

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: