Paano Maiiwasang Hindi Kumalat Ang Chismis

The one who reveals secrets is a constant gossip; avoid someone with a big mouth.

Bakit nga ba usong-uso sa mga tao ang chismis, at imbis na matigil ito mas lalo pang kumakalat ang mga kwento at nakakarataing sa ibang tao?

Sasabihin ko nalang ang side ko patungkol dito para hindi magulo.

May dalawang side patungkol sa usapin na ito:

  1. Ang nagkukuwento
  2. Ang nakikinig ng kwento


Unahin natin ang nagkukuwento


Madalas nagkukuwento ang isang tao kapag naghahanap ito ng kakampi sa isang sitwasyon. Madalas ang side lang niya ang lagi niyang ikinikwento sa kausap. Gusto nitong makarinig na tama siya at mali ang taong nasangkot sa isang issue.

Kapag hindi siya pabor sa pangyayare, para lang makaganti siya sa tao, ikakalat niya ito sa kung kani-kanino hanggang sa ang mga nakakarinig nito ay malason na ang pag-iisip. Ang gagawin ng taong ito, pasasamain niya ang imahe ng taong nasangkot sa issue para mag iba rin ang tingin ng mga tao rito. Sa madaling salita, nagkakalat ng lason.

ANG TANONG, KAKALAT KAYA ANG ISANG CHISMIS KUNG ANG NAGKUKWENTO AY HINDI IN-ENTERTAIN NG MGA TAONG NAKAKAPAKINIG?

May posibilidad kayang maitama ito kung ang mga taong nakikinig eh tama ang ipinapayo?
O, baka naman kahit wala silang kinalaman sa kwento eh kung makapag-advice akala mo alam nila ang both-side at buong pangyayare?

Dun naman tayo sa nakikinig ng kwento.
Madalas ang mga nakakapkinig, para lang hindi ma-offend ang taong nagkukuwento, sige lang sila ng sige. Minsan sila pa yung mas lalong nagpapa-apoy ng sitwasyon, at nag-dadagdag ng lason sa isang issue imbis na makatulong.

Ano ba ang dapat gawin para maiwasan ito?

Kung ako man ang makakarinig ng isang kwento patungkol sa isang tao, hindi ko hahayaan na ipag-patuloy pa niya ito na ikwento sa akin. Oo, papakinggan ko siya, aalamin ko ang side niya at hahayaan kong ibuhos niya ang sama ng loob niya sa akin. Pero ang sasabihin ko sa kanya, β€˜mas maganda kung sa kanya mo mismo sasabihin yan para magkaayos kayo.’

Bakit ko puputulin kaagad ang kwento? Kasi may tendency na habang nagkukuwento siya sa akin ng mga negative patungkol sa tao na binabanggit niya, pwedeng mag-iba ang tingin ko sa tao at mahawa ako sa nararamdaman ng nagkukwento.

Maaaring okay kami ng taong kinukwento niya, pero dahil nakarinig ako ng hindi maganda sa tao na yon, mag-iba na rin ang pag-tingin ko sa kanya.

Kahit gaano pa ka-totoo ang ikinukwento, hindi dapat ito ikinakalat kung kanino, at wala dapat makarinig nito kundi ang nasangkot lamang sa issue.

Kung ano man ang nararamdaman natin sa isang tao, sabihin natin ito mismo sa harap niya at makipag-usap ng ayos. Kung na offend ka man ng tao, pakalmahin mo muna ang iyong sarili bago mo siya harapin.

Protektahan din natin ang imahe ng tao kahit may nagawa siyang hindi maganda sa atin. Wag palakihin ang issue. Let there be love and forgiveness.

Para hindi lumala ang issue, kausapin na kaagad bago pa ito kumalat, at kung sinu-sino pa ang makarinig.

Okay lang mag-kwento lalo na kung nanghihingi tayo ng advice sa gagawin natin.
BUT, BE SURE, na ang pag kukwentuhan natin ay tama ang i-aadvice sa atin; at hindi para lumala ang sitwasyon. Baka magkwento tayo kung kanino, pero mali naman pala ang sasabihin. Imbis na magkapatawaran, mas lalong gumulo. Imbis na magkaron ng kapayapaan, mas lalong lumala ang sitwasyon.

Seek advice from the godly.

Huwag na tayo mag-hanap ng simpatya kung kanino. Kausapin natin mismo ang taong involve ng hindi na rin tayo mahirapang hindi maka-tulog sa gabi. πŸ™‚

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: