Awit Ng Puso

Tumakbo papalayo, at tinikman ang tawag ng mundo.
Sinibukang iwan Ka, at inakalang makakaya ang lahat.
Piniling magkulong, piniling mag-isa.
Pilit isinara ang pintuan ng puso, at sinabing, ‘ako nalang mag-isa.’

Nag bingi-bingihan sa tawag Mo, nagpaka-manhid wag Ka lang maramdaman.
Kinulong ang katawan sa sariling nais nito, akalang sasaya pag lalo pang kumapit at ipinag-patuloy ito.

Dinumihan ang kamay at pinilit na mag-pumiglas. Sinabi sa sarili, ‘kaya ko to.’

Ngunit, naalala ko, hindi nga pala ako ang may hawak ng sariling utak ko, at nag pumilit Kang ipaalala ang lahat. Ang lahat ng pinag-samahan, ang lahat ng pinag-hirapan, ang lahat ng pangarap sa buhay at kung saan Mo ko balak dalhin, kung ano pa ang mga pangarap Mo sa akin, at kung ano pa ang mga dapat mangyare.

Pero mas pinili paring patigasin ang puso at piniling wag Kang pakinggan.
Pinili paring saktan ang sarili at magpatuloy sa kasalanan.

Hindi Ka parin tumigil at pilit paring kinakatok ang aking puso.
Hindi pa-sigaw, hindi rin pa-balang. Ngunit sa boses na nais ko, at hinahanap-hanap ng puso ko.

Dumating ang panahon, napagod na ring mag-tago sa pag-mamahal Mo at inisip na ring huminto sa pag takbo.

Isa lang ang nasa isip ko, sa bawat hakbang papalayo nariyan Ka naka-sulyap. Sa bawat hakbang papalayo, andiyan Ka nag-hihintay. Ni hindi Ka nagalit o naranasang mag parusa.

Sa bawat pag-takbo, wala akong ibang naranasan kundi ang presensya Mong bumabalot sa akin. Habang papalayo ng papalayo, mas lalong kumakapal ng kumakapal ang usok ng pag-mamahal.

Ano pa nga ba, wala akong ibang nagawa kundi manumbalik Sa’yo. Humingi ng tawad at sinabing, ‘hindi na muling gagawin pa.’

Oo, nagkasala. Ikaw pa nga ang sinisi sa bawat nangyare sa buhay. Ngunit naisip ko, hindi Ka nariyan para sirain lalo ang buhay ko. Nariyan ka at pilit hinahabol ang taong katulad ko na wala ng halaga upang ayusin ang ikot ng mundo ko at mas lalo pa itong mapaganda.

Nariyan ka hindi para ipa-mukha sa akin lahat ng karumihan sa buong katawan. Ngunit nariyan Ka para linisin ako, palayain, at gawing bago ulit.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang purihin Ka at mag-pasalamat. Humingi ng tawad at muling pag-buksan Ka sa bawat pag katok Mo. Ngunit sinabi sa sarili, ‘hinding-hindi Ka na muling kakatok. Kasi papapasukin na Kita at ikaw na muli ang mag-hahari sa buhay ko.’

Hindi na muling tatakbo at iiwan Ka kung saan man. Kundi, hahawakan na muli ang Iyong kamay at sabay na lalakad at pagtatagumpayan ang bawat laban.

Ikaw na muli ang pipiliin ng aking puso kaysa sa mga walang saysay na takbo ng mundo. Hindi na muling hahawak don, kundi, yayakaping muli ang pag-mamahal Mo.

Hahayaang mahulog ulit ang sarili sa kung sino Ka at kung anong meron Ka. Hindi na muling maghahanap ng iba, dahil Ikaw na muli ang lahat sa akin.

Awit ng puso ko ang mag-patuloy Sa’yo at muling mag-pagamit Sa’yo. Piniling mag-patuloy at gustuhin ang gusto Mo. Dahil alam kong ito ang tama at ito ang nais Mo.

Advertisements

One thought on “Awit Ng Puso

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: