Kabataan: Saan Pwede Mag-Invest Para Mas Mapalago Ang Savings?

Nineteen palang ako nung nagsimula akong mag-save ng pera. At ayun nga, kung nabasa na ninyo ang Paano Makakapag-Ipon Ng Pera Ang Isang Kabataan ganon at ganon lang  ang lagi kong ginagawa; laging nasa vault nakalagay. Nagsimula akong magbukas ng bank account noong 21 years old ako. Kaya minsan, either vault o bank account lang ang pera ko.

Ang resulta? WALA, nandon lang ang pera at hindi napapalago. Nadadagdagan lang ito kapag nag-lalagay ako mismo. Kung anong amount ang nilagay ko, ganon lang ito kahit 1 year pa’to andoon. Sayang!

Pero at least lumalaki di ba? At hindi ko to nagagastos.
Pero alam niyo ba na may better way pa para mas mapalago ito?

Mas maigi kung, “we let our money works for us. Not us, working for money.”
Maganda kung ang pera ang nagtatrabaho para sa atin. Hindi tayo, ang naghihirap para magka-pera.

Magkaron ka ng goal. Halimbawa:

  •  magkano ang savings mo para sa magulang mo kung sakaling mag-retire sila?
  • ilan taon ka bago magkaron ng bahay?
  • anong edad mo gusto magkaron ng negosyo –at anong klase para makapag-ipon ka na ngayon?
  • ilang years ang dapat mong suungin para makapag-ipon ng isang milyon?
  • magkano ang gusto mong maipon for the whole year?
  • magkano ang gusto mong maipon sa buong buwan?

Ngayon, saan pwede mag-invest para mas mapalago ang savings:

  • GOLD.
    Maganda mag-invest dito hindi para mag-ipon ka ng libo-libong ginto sa bahay, kundi pwede ka mag-invest dito saka mo ibenta. You can do buy & sell. Pero bago mo gawin ito, tignan mo muna kung ang mga kakilala, kaibigan, tito, tita, o sinong relatives ang may interest dito na pwede mong pag-bentahan.Malaki ang pwedeng kitain dito. Kung wala ka namang maisip na mapag-bebentahan, isanla mo. At kapag mas mataas ang pag-kakasanla nito kesa sa pag-kakabili mo? Voila! Capital gains na yan. Nadagdagan ang savings mo ng walang ka-hirap-hirap!Ako, ang unang investment ko sa savings ko ay ang gold coin.
    Kapag alam kong mababa ang gold, bibili na ko niyan. At aantayin kong tumaas ulit saka ko ito isasanla. Sa ngayon, wala pa kong sinasanla kasi wala pa naman akong pagkakagastusan. Naka-abang lang to kapag may pangangailangan ako.Mas malaki ang magiging tubo pag dating sa gold pag:
  • Earrings
  • Necklace
  • Ring
  • BraceletKesa sa gold coin. Mura lang din ang earrings at madaling ibenta.
    Kaya naman gold coin ang pinili ko, kasi wala naman akong kakilala na interisado dito. Mahirap din kung gagawin ko to online.
  • STOCK MARKET.
    Ito ang investment na walang physical labor. Hindi kailangan ng pwesto, hindi kailangan mamasahe, walang babantayang tao, o kahit na ano pa.Ang kailangan mo lang:-knowledge
    dapat alam mo kung paano mag-palago nito. Dahil baka mag invest ka ng malaki rito pero wala ka naman palang ka-alam alam na kahit ano. Masasayang lang.-internetoras
    ang opening kasi nila ay 9:30am-12nn
    at mag bubukas ulit ng 1:30pm-3:30pmSarado sila ng Saturday at Sunday

Ako, nag-invest ako sa COL Financial nung Dec 2016 at hanggang ngayon talagang inaaral ko pa. Pero kumita na rin naman ako kahit papano. Kung interisado ka, tignan mo nalang ang web site nila colfinancial.com diyan malalaman kung paano mag-invest sa kanila.

Meron rin akong libro na binabasa para malaman kung paano ang kalakaran dito

The Trading Code by Jason Cam
Photo on 15-03-2017 at 9.46 PM #2
Diyan nakalagay lahat lahat ng pwede nating malaman patungkol sa Stock Market. Hindi rin siya mahirap intindihin wag lang tamarin basahin :

  • COOKING / BAKING / PASTRIES
    kung marunong at masarap ka mag-luto, mangontrata ka sa mga kaibigan ng parents mo o mga friends mo. Mag-luto ka ng lunch for them or meryenda.O kaya mga desserts
    -Leche Flan
    -Halo-halo
    -anything sweetSyempre dapat alam mo kung pano mag costing para hindi ka malugi at alam mo kung magkano ang puhunan mo at kikitain mo
  • SKILLS / TALENT.
    Music, pwede ka mag tutor  kung may alam kang instruments.-Drawing or painting, mag hanap ka ng mga tools na magagamit ang skills mo sa pag dodrawing o painting.

Pwede kang mag customize gamit airbrush ng:
-makeup
-damit
-sasakyan

  • BEAUTY PRODUCTS.
    kung magaling ka mag sales talk, laway lang pwede mo ng maging puhunan para may kitain ka. Marami ang pwedeng ibenta diyan lalo na mga tao ngayon, lalo na ang mga babae, takot pumangit. Gusto laging maganda. Kahit magkano pa yan, bibilhin nila yan basta gumanda lang silaPwedeng:
    Korean Beauty Products
    Avon
    Natasha
    Nworld
    Mary Kay
    Kylie
    at kung ano pa..
  • 2nd HAND ITEMS
    You can do garage sale. Baka marami kayong gamit sa bahay o gamit mo na nakatambak lang na pwede mong ibenta. Or online shop. Anything na alam mong patok sa season ngayon.
  • E-book.
    If you love to write, you can sell your books online at Amazon. Passive income yan. Magsusulat ka lang, after ma-published, hayaan mo lang at maghintay ka ng bibili.Mag-isip ka lang ng kung anong klaseng libro ang isusulat mo
  • VLOGGING.
    Passive income rin ang mag video blog. You can upload it sa Youtube. Gawa ka lang ng mga interisadong videos-unboxing gadgets
    -laruan sa mga bata
    -about arts
    -reviews (gadgets, beauty products)
    -instruments (Music Tutorial)
    -foods (sa iba’t-ibang lugar)
    -ETC..

Kikita ka rito depende sa dami ng subscribers at mga nanunuod sa mga videos mo. After how many years mo makikita ang resulta

  • BLOG
    Kung passion mo naman mag sulat ng kahit na ano, umpisahan mo na! Pwede ka ring kumita dito. After 5-10 years, makikita mo ang resulta. Pwedeng may magpa-advertise sayo dito at babayaran ka nilaAng iba, eto lang ang hanap-buhay. Ang mag blog, at vlog (video blog)
    Pinaka-malupit don? May time freedom sila! Kahit saan pwede sila pumunta at walang may hawak ng oras nila kundi sila lang.

Okay lang kahit sa una di mo alam ang isusulat mo. Lalabas rin yan pag nag tagal.
Gumawa ka lang ng kahit na anong topic

Interisado ang mga tao pag dating sa:
-LOVE
-HEALTH
-MONEY
LIFESTYLE

Marami pa ang mga pwedeng pagkakitaan. Kung talagang gusto mong matuto pag dating sa pag-hawak ng pera, ito ang aking mairerekominda:

  1. Rich For Life -Dennis Sy
  2. Rich God Poor God -Chinkee Tan
  3. Til Debt Do Us Part -Chinkee Tan
  4. Guide To Investing -Robert Kiyosaki
  5. Rich Dad Poor Dad -Robert Kiyosaki
  6. The Power To Create Righteous Wealth -Rene Resurreccion
  7. Pagnenegosyo -Rene Resureccion
  8. Guide To Investing In Gold & Silver -Michael Maloney
  9. Who Moved My Cheese? -Dr. Spencer Johnson
  10. Stock Investing Made Easy -Marvin Germo

Magkaron ka ng goal at pag-isipan mo kung anong pwede mong pagkakitaan sa Savings na meron ka. Ano ba ang passion mo? Kung ano ang passion mo, yun ang pwede mong pagkakitaan. Dahil kahit gano kahirap o nakakapagod gawin yan, basta passion mo, wala lang sayo yan 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: