Paano Makakapag-Ipon Ng Pera Ang Isang Kabataan

Mas malaki ang abilidad ng isang kabataan na makapag-ipon ng pera habang bata pa.
Bakit?

  1. Wala pang binabayarang mga bills
  2. Magulang ang nag babayad ng pang-aral
  3. Kapag may gusto sa mall, sa magulang hihingi ng pambili kahit may sariling pera ito
  4. Sa magulang nanggagaling ang allowance
  5. Magulang ang nagtatrabaho para may pang gastos ang anak

Sa madaling salita, gastusin lahat ng magulang at ang anak, nag-aantay lang ng mai-aabot sa kanila (allowance)

Isipin mo, kung ikaw ay isang kabataan na nagbabasa nito, magkano na ang naipon mo kung dati ka pa nagsimulang mag tabi ng pera sa allowance mo na galing sa magulang mo?

Marami akong naririnig sa mga kabataang nakakasama ko, “Bata pa po kasi ako at wala pa akong trabaho. Sa susunod nalang kapag may trabaho na at kumikita na ng sariling pera.”

Tama ba ang maging ganong mindset ng isang kabataan? Kung sisimulan mo rin naman palang mag-ipon, bakit hindi pa ngayon?

Maganda nga yon, dahil hindi mo pinag-hirapan ang pera, pero naitatabi mo. At sayo na yan talaga.

Ngayon, kung interisado kang  mag-ipon habang bata pa. Paano mo sisimulan?

Goal Setting
Magkaron ka ng goal sa sarili mo. Ano ba ang gusto mong gawin sa sarili mong pera kahit allowance mo pa yan? Dahil ba gusto mong magka-business pag tapos mong mag-aral? Gusto mong may sariling pang-gastos kesa humingi sa magulang? Marami ang pwedeng dahilan kung bakit gusto mong makapag-ipon. Pwedeng dahil gusto mong mag:

  • TRAVEL
  • SHOPPING
  • Magkaron ng sariling bahay
  • Bumili ng gadget
  • ETC..

Ako, ang goal ko, gusto ko makatulong sa magulang at magkaron ng sariling business habang bata palang. Ayoko kasi talagang maging employee. Gusto ko magkaron ng Time Freedom. Yung tipong nakaupo ka lang, wala kang ginagawa eh kumikita ka parin ng pera.
That’s my goal!

Maganda kung kabataan palang eh marunong ng mag-isip para sa future. Dahil eto ang mag pupush sa kanila pag dating sa pag-hahandle ng pera.

Ako, bata palang ako business-minded na talaga ko. Dahil maski baon ko sa school non binebenta ko magka-pera lang ako. At ngayon natutunan kong mag tabi ng pera. Share ko lang sa inyo para talagang ma-gets ninyo

  • hindi ako bibili ng hindi ko kailangan
  • mas inuuna kong mag save ng pera kesa gastusin ito
  • kesa mag kape ako sa Cofee Bean kahit gustong-gusto ko, mas pipiliin ko paring mag tipid dahil alam kong mas kailangan ko yon
  • ang ginagastos ko lang sa isang araw P100 lang kasama na pamasahe.. P3,100 sa buong buwan. At pag may natira, Punta sa lalagyan ng savings! (dito sa Pinas yon)

    Nung nag stay ako sa Saudi, nag alaga ako ng bata at kumikita ako ng SR700 doon.. 8,400 dito sa Pinas ang halaga. Ang ginagawa ko..
  • 500 riyals -Savings (kahit anong mangyare hindi babawasan)
  • 70 riyals -Tithes
  • 30 riyals -offering
  • 100 -Shopping or food (pag tinopak)

Nag stay ako doon ng 18mos puro ganyan lang ginagawa ko. After non, bigla kaming nag decide na umuwi ng Pilipinas. Ang nangyare? Nakapag uwi ako ng PHP100,000.00 lang naman. O di ba?! Edi ang saya ng bakasyon ko kasi yung mga pang-gala ko sa sarili ko ng ipon kinukuha at hindi na ko humihingi sa magulang. Wala pa kong sermon na naririnig sa magulang pag gagastos! hahaha *peace*

Bakit umabot sa ganon? Eh kasi nga magulang parin ang gumagastos sa mga bills at sa mga kung anu-ano pa. Kaya nga maganda mag-ipon na habang bata pa at hanggat wala pang gastusin!

Madali lang mag ipon. Basta determinado ka at handa kang mag sakripisyo.
Kasi aanihin rin natin ang pag-hihirap ngayon pag dumating ang tamang panahon.
Kesa puro saya at gastos ngayon, pag tapos nga-nga pag tanda

Ang ginagawa ko sa pera ko ngayon:

  1. Savings
    kahit magkanong amount ang natatanggap ko, nag sesave ako doon ng 20%
    AT HINDING-HINDI KO TALAGA PWEDENG GALAWIN YON. Yun ang mindset ko. Kahit na anong mangyare, hindi ito pwedeng magalaw!
  2. Business Money
    balak kong magkaron ng business ngayon kaya pinag-iipunan ko ito
  3. Emergency Fund
    10% ng pera ko ang tinatabi ko para dito para di ko magalaw ang Savings ko kapag nagkaron ng emergency at kailangan gumastos
  4. Travel
    kahit pa konti-konti naglalagay ako dito. Minsan 10% o mas higit pa. Depende sa pera na matatanggap ko
  5. Tithes
    higit sa lahat, ang tithes! Matic na yan. Pag-kakuha na pag-kakuha ng pera, bawas agad ang 10% para maibalik sa Panginoon

Pwede mo ring gayahin yan o ibahin ang iba diyan depende sa pangangailangan mo. Basta ang pinaka-importante, yung SAVINGS at TITHING. Kung talagang gusto natin ng pagpapala na galing sa Panginoon, mag balik tayo sa Kanya. Unahin natin mag bigay at Siya na ang bahala sa iba pa nating gawain sa buhay. Kakaiba kapag Diyos ang nag-pala!

Ganito ang akin para hindi ako malito..

Collage 2017-03-14 18_51_34.jpg

P.S.
Hindi ko nasama sa litrato ang savings ko pang business. 😀

Advertisements

2 thoughts on “Paano Makakapag-Ipon Ng Pera Ang Isang Kabataan

Add yours

  1. Wow! Magandang pamarisan. Just have to really be consistent para i-motivate si JD. He’doing this na. But his savings last year he gave it all as his pledge noong kmuha kmi Ng isang pang faith house.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: