Makesong Pag Sinta

unang tibok ng puso ko ang sabi nya salamat
salamat sa pag-mamahal na ipina-ubaya
kasi hindi naman nabibigay ang pag-mamahal
kundi pinapaubaya
ipinagkakaloob sa taong alam mong mahal mo din
kaya sa pangalawang pagtibok
ganun din ako
bubuksan ko ang puso ko at ika’y patutuluyin

hahayaan kung ano ang gusto mong gawin

 

pinili ko to
hindi lang sa ginusto
pinili ko to kasi alam kong bagay ka dito

dito sa puso ko

 

ikatlong tibok naman bulong lang
bulong na nag sasabing sige lang mahalin mo lang
ipaubaya mo lang
ibigay mo lang yung sapat na pag-mamahal
para sa kanya
yung alam mong mas magiging maligaya siya
dahil panandalian lang naman ang saya
ligaya kasi gusto kong tumatak ka
sa lahat ng mga magaganap pa sa buhay ko

at wala ng hiling pa

 

diba nakakatawa na
sa ika-apat na tibok
bigla akong napalunok
kasi kinain ko na ang lahat ng ere ng aking pagiging lalake
hahayaan ka
pagbibigyan uunawain
hindi aawayin
kahit ako’y pikunin

sisikapin ko parin lunukin

ang pang-lima
parang hindi na yata tumibok
normal lang yun

hindi naman kasi sa lahat ng oras kailangan ng pagtibok

 

ngayon
magiisip naman ako
magpaplano
at gagawa ako
kikilos, igagalaw ang katawan ko
hindi lang plano
mahal eh
yun naman yun eh
puso nga diba

puso

 

madami na din akong nasabi
mga pinangako
nagawa
maganda at hindi maganda

salamat nga pala

 

salamat
dahil hindi ka bumitaw
kahit alam mong lapnos na at hirap
hindi ka bumitaw
kahit alam mong uminit at masasaktan hindi ka bumitaw

kahit alam mong malayo at may lalayo hindi ka bumitaw

 

salamat
at hindi ka bumitaw
kahit isang tabo na ng luha ang pumatak
hindi ka bumitaw
sandamakmak na kahihiyan
hindi ka bumitaw
napagalitan at kinutcha

hindi ka bumitaw

 

salamat
hindi ako mangangakong hindi kita bibitawan
kasi hindi naman yun ang sukatan
pwede naman na ika’y aking hayaan
tiwala
pananalig
at pag-asa

yan lang ang pang-hahawakan

 

wag mo sanang isipin na hindi ako kakapit o hahawak
ako ay susuko na

hindi ba mas maganda kung ikaw mismo nakakakilos ka ng malaya

 

sa tabi lang ako
pwedeng kanan kaliwa harap likod ibabaw o sa ilalim ng iyong hinuha
basta nasa tabi mo lang ako
kung saan ka magiging maligaya
kung saan mo mas mararamdaman na mahalaga ka
na mahal ka
na kakaiba ka
na dapat pahalagahan ka
na babae ka

na dapat irespeto ka

 

nasa paligid lang ako
kaya salamat

salamat

 

binitin ko yung tibok
kasi alam kong pasimula palang
pero pangako ko hanggang sa huling tibok
ng aking puso

mananatiling ikaw at ikaw lang

 

nga pala pag nalulungkot ka
pikit kalang
isipin mo ako’y nandyan lang
pag naaalala mo ako
ngumiti ka lang

lahat naman ng to may dahilan

 

mali ang mangako
para sa taong hindi marunong tumupad
pero mas mali kung lahat ay magiging baligtad
kaya pag nag iisa ka
isipin mo lang kasama mo ako
ako’y nandyan lang

yun lang naman yun

 

minsan maiiyak ka nalang
pero ayos lang yun
minsan mapapahawak ka nalang sa unan
normal lang yun
mapapapikit at sasabihin sana nandito ka
kailangan kita eh
ayos lang yan

hindi ako nawala at hindi ako mawawala

 

ako man
saan man mapunta
mapapdpad
isa lang ang nasa isip
yung babae sa panaginip
at pag asa sa may kapal na ika’y makasama
sa pagdating ng panahon

na tayo’y handa na

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: