Pag-Ibig Na Nag-Aabang: Parang Beauty and the Beast!

Salamat

Salamat sa may-katha at may-akda ng lahat
Dahil sa kanya ako’y namulat sa lahat
Nung una akala ko mapaglaro ang tadhana
Nang makilala ka kasi di ko naman inaakala
Naglihis ang mga landas at tipong pilit pinag-tagpo

Ang tadhana pala hindi nagbibiro
Tumingin ako sa nakalipas at inisip ang lahat

Sinabi na hindi mauulit nakalipas kong sad-sad
Huminto ng bahagya at ika’y pinag-masdan

Siya na nga ba talaga ang babaeng nakalaan

Alin nga ba ang alintana kung sa bintana ng pag-ibig ikaw ang nakikita

Hakbang ng pasulong alinlangan ay sumidhi
teka parang gusto kong umurong
Nakakalimot ka bata, Prinsesa siya ng may Kapal
subukan mo munang tumungo at simulan na mag dasal
Tanungin, arukin ang senyales ng may akda

at gawin ang lahat nang ayon sa simula

 

Liwanag sa panaginip siya na ba ang kasagutan
Himbing ng aking tulog ilusyong kamay mo’y mahawakan
buti pa sa panaginip nandon ka’t kasama ko

sa totohanan ba maaring maganap ito

 

Luhod managuli sa maykapal ay nagdasal

Β Panginoon, Panginoon, tanong ko ay iyong dinggin
babae sa panaginip sya ba’y aking mamahalin?

Walang sagot sa busal kung kasagutan ay naihayag na
Sa munting panaginip nung ika’y aking nakita
sinabi sa sarili magaantay ako

mahirap man o delubyo kung sayo galing ang lahat ay makakaya ko

 

Lumipas mga araw
Buwan ay nagdaan

Baon ko lang pangako ng maykapal na ika’y mahagkan

 

Saan ka man ngayon at kung san man naroon

maghihintay ako habang gumagawa ng aksyon

 

Hindi mo kakayanin yan ang sabi ng iba
Hahatakin ka pabalik kung san ka nagsimula
Wag mo na balakin at hindi yan uubra
Pero sino ba sila para sabihing di ko makakaya
Kapit lang sa Diyos yan ang laging sinasabi

Higit Siyang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari

 

Habang nagaantay
Ako’y magsisikap maigi

magpapakalalim sa Kanya kasi yun ang tunay na lalaki

 

Ang may takot sa Diyos at gumagawa ng mabuti

Dahil siya ay isang Prinsesa gaya ng aking sinabi

 

Sa araw ay pagdarasal
Ika’y Kanyang ingatan
Sa gabi naman sa iyong pag tulog bigyan ng kapayapaan
Lubos na kaunawan higit sa talino nino man

Yan ang tangi kong hiling na siya’y iyong makamtan

Pasensya at pag-unawa sa lahat ng makakasalamuha
Ligaya at saya sa lahat ng ginagawa
Mapuno ng pag-ibig ang ginintuan mong puso

At masaganang pamumuhay sa iyo ay bumuhos

 

Pagmamasdan nalang at titignan sa malayo
at magaantay ako hanggang sa panahon na ang umayon

O, Diyos salamat po

salamat sa Iyong gabay ng dahil sa Iyo natutunan
kong maghintay
Lahat naman ng bagay sa akin abot kamay

Basta kasama Ka, ako sa kanya’y maghihintay

sketch-1488255859124

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: