Pag-Ibig Na Nag-Aabang


Aaminin ko sa’yo gusto na talaga kitang makasama

yung tipong kahit saan mag punta
nariyan ka
Na parang anino sa likod pag naglalakad
unan sa gabi na akap-akap
cellphone na lagi kong hawak
at sa umaga laging hinahanap

Gusto ko nandun ka

doon sa kung saan merong “tayo”

Mag-papalakasan hanggang sa humayo
magtyatyaga magtitiis magmamahalan ng labis
dahil alam ko na doon sa kung saan meron tayo
may nakasulat na hangganan
Mauna man ang sino man
Ano man ang humarang sa daan
Doon sa kung saan na meron tayo
Magpupursigi ako at lalaban para sa ating kinabukasan

Dahil naniniwala ako sa 
tayo na meron kung saan man na roon
ay pagibig ng Diyos ang ating kalasag at sandigan

Huwag ka sanang bumitaw kapag dumating ang panahon na sabihin ko sa’yo ang katotohanan
Katotohanan na ang tagal kong itinago

Puso ko’y masaya kapag nariyan ka
Hindi man aminin, ngunit pagtitig sa iyong mukha ay walang labis
Konting sulyap sa iyong kagandahan, ngiti sa aking mga labi

Ngunit sisiguraduhin ko, ang pag-ibig na itinatago kong ito, ang hindi magtutulak sa akin papalayo sayo
Kailanma’y hindi ko gagamitin ito para maagrabyado ang kagandahan mo

Tulad ng pag-ingat ko sa mga kilos ko pag nariyan ka, iingatan ko rin na hindi ka marumihan
Hanggang sa dumating ang panahon na tayong dalawa ay magsusuot ng puti
papunta sa altar doon magtatagpo

“Matagal pa.” Sabi ng aking puso
Ngunit ako’y masaya na sa pag-hihintay ko sayo ay nakikilala kita kahit sa konting sulyap mo

Wala man akong magawa ngayon
Wag kang mag-alala, naghihintay lang ako ng tamang panahon

Panahon na kung saan, hindi na kailangan pa magtago
Panahon na kung saan malaya ako na iparamdam ang pag-ibig ko sayo
Panahon na kung saan, maipapakita ko kung anong pangarap ang meron ako para sa atin

Mag-aantay ako ng tama
Para pag dumating ang tamang panahon, makukuha ko rin ang matamis mong, “Oo”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: