Ang Solusyon Ay Nasa Ating Sarili

Nasan na. Nasaan na ang sarili. Mas pipiliin nalang bang manirahan sa nakaraan at hayaan kang wasakin nito? Paano kung sa pag piling ito, mas lalo kang sirain nito? Tama bang ikulong ang sarili at parusahan ang katawang wala namang kinalaman?

“Paano makakabangon” yan ang tanong ng taong gustong mag-bago. Saan ang daan upang makalabas sa ingay at gulo ng pag-iisip nito. “Tama na! Ayoko  na!” Sigaw ng pagod na at ayaw ng solusyonan. Parusa sa sarili ang hindi pag ngiti. Mas pinili pang mapag-isa at bit-bitin ang galit. Saan nag umpisa at bakit nagkaganito. May pag-asa pa ba para mawala ito? Simple lang naman ang sagot, ngunit ginagawang komplikado. Mabigat na nung una, paano pa sa dulo?

Wasak at wala na. Paano pa magagawa. Nasira sa tiwala, at nakulong sa galit, paano pa masosolusyunan, kung ubos na ang pag-ibig?

Sigaw ng pag-saklolo hindi na rin magawa. May sakit na pumipigil at alam ng diwa. Pag buka ng bibig kay hirap na rin gawin. Ang mga posas sobrang bigat na rin.
Sasabog na kalooban ano ang mapag-lalagyan. Pira-pirasong sarili, hindi na alam kung nasaan.

Hindi na rin alam kung ano ang tingin sa sarili, regalo ng Diyos nawalang say-say na rin. Pabigat ng pabigat habang tumatagal. Paparating na ba ang tulong na inaasam?

Hanggang kailan magiging maka-sarili, hanggang kailan itatago ang galit, nag-simula lamang ito sa kapiranggot na inggit, hindi namalayang ito ang magwawaglit.

Eto na ang solusyon, wag isara ang mga mata upang  mabasa ang mga talata. Eto na ang matagal mong hinihintay, para makalaya sa sarili mong kabihasnan. Wag maging mapag-mataas kung nais mong makulayan ang iyong buhay.

Regalo ng Diyos wag tapakan. Ihip lang ng hangin, maibabalik din yan. Halaga sa Diyos hindi nagbago, paano malalaman: sa pamamagitan ng ating puso.

Tahan na sa pagtatago, may hangganan din yan, maniwala ka. Sagot sa mga yan walang iba kundi ang Diyos. Wag kang magsawa dahil yun ay totoo. Diyos lamang, at Siya lang talaga. Ang talagang solusyon ay ang pagmamahal Niya. Wala ng iba kundi yun lang talaga.

Ang susi sa pagkaka-kulong ay Siya. Sige pa, mag basa ka pa. Ngayon na alam mo na, mag patawad ka. Patawarin ang sarili sa sakit na nadarama. Hindi nag tatapos ang buhay diyan. Kapit lang sa Diyos at mamuhay ng matiwasay. Ibigay ang lahat sa Kanya kapalit niyan ay buhay na walang hanggan.

Tama na at ako’y gutom na.

Advertisements

One thought on “Ang Solusyon Ay Nasa Ating Sarili

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: